Dr jose rizal talambuhay tagalog buod
Dr jose rizal talambuhay tagalog buod!
Buod ng Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal.
Larawan ni dr jose rizal
Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.
Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong